//assets.explora.ph/images/xp-images/1555938266_eyyy.jpg //assets.explora.ph/images/xp-images/1556353579_1555910150-img-0981.JPG //assets.explora.ph/images/xp-images/1556353582_paras-beach-resort.JPG //assets.explora.ph/images/xp-images/1556353588_tinago-falls.JPG

Where is Uncle Ju? - Walong Araw sa Mindanao! Edit

Event date{{item.start_date == item.end_date? '':'s'}}: {{xpFn.formatMomentDate(item.start_date, null, 'MMMM DD, YYYY')}} {{xpFn.formatMomentDate(item.start_date, null, xpFn.formatMomentDate(item.start_date, null, 'YYYY') == xpFn.formatMomentDate(item.end_date, null, 'YYYY')? 'MMMM DD':'MMMM DD, YYYY')}} - {{xpFn.formatMomentDate(item.end_date, null, xpFn.formatMomentDate(item.start_date, null, 'MMM, YYYY') == xpFn.formatMomentDate(item.end_date, null, 'MMMM, YYYY')? 'DD, YYYY':'MMMM DD, YYYY')}}  • 

Juan Lorenzo Marco  • Contributor
Opinions expressed by Explora.ph Contributors are their own.

Expectations

A week before my trip ang buong akala ko dahil puro nagbibisaya ang kasama ko ang pupuntahan ko ay sa Visayas. Kundi pa ako nagtanong sa kaibigan at magulang ko kung saan ang Iligan at ang Camiguin ay hindi ko pa malalaman na sa Mindanao pala ang destinasyon ko. Sa totoo lang, nagpanic ako kasi karamihan ng mga nakakausap ko dito sa Manila ang sinasabi ay magulo raw sa Mindanao, hindi raw safe, delikado raw, wag daw ako maglalabas dun at ibang-iba sa Manila.


In addition to this, dahil sobrang busy ang buong linggo ko dahil sa work, bago ang trip ay hindi ako updated sa news. So sa mismong araw lang rin ng flight ko nalaman na Martial Law pa pala sa Mindanao so lalo akong kinabahan kasi never kong naexperience ang Martial Law at lahat ng nalalaman ko ay base lamang sa mga nababasa ko at napapanood ko. 


Pero syempre, dahil bayad na ako at likas na matapang ako kaya walang alinlangan akong tumuloy.

image


ILIGAN WALANG KATAPUSANG KAINAN

Sinalubong kami ng mga kamaganak ng girlfriend ko sa airport at hinatid kami mula Cagayan patungong Iligan gamit ang pick-up truck. Napakabilis ng byahe at walang traffic. Amoy na amoy ko ang mga puno sa paligid. Sobrang sarap sa pakiramdam.

image

Pick up truck na sasakyan namin sa Iligan

Dahil hindi nga ako nagresearch ng kahit ano, hindi ko rin alam na pista pala ni San Miguel pagdating namin. Medyo nagpanic ako dahil nung mga panahong iyon ay diet ako. Wala akong makitang malapit na gym sa bahay namin sa Iligan. Onti-onti ko ng tinanggap na katapusan na ng pagdidiet ko at bilang bakasyon naman ito enjoyin ko na lang ang mga pagkain. Ang unang sumalubong sakin ay hindi mabilang na kilo ng Mangosteen, Rambutan at Lanzones. Hindi ko alam kung paano nagkasya sa tiyan ko ang dose-dosenang kinain kong prutas. Ang naramdaman ko lang dun ay labis na pagkatuwa dahil napakamahal ng mga prutas na ito sa Manila. Hindi pa natapos ito at inilabas ang Marang at ayun, may bago na akong paboritong prutas. Sa sobrang sarap kinakain ko sya sa bahay, kinakain ko sya sa byahe, kinakain ko sya sa labas. Kulang na lang kainin ko sya sa banyo.

image

Happy Fiesta Viva Senor San Miguel!

image

Bago kong paboritong prutas, Marang!

Sumunod ay iba’t ibang luto ng kambing. May Kinilaw, may Papaitan, may Caldereta at hindi ko na alam ang tawag sa iba basta kinain ko na lang. Parang hindi rin nauubusan ng lechon dahil sa tuwing kukuha ako may bago nanamang kapalit. 

image

Lechon, Lechon, Lechon!

image

The best Papaitan nila dito.

Tumulong rin ako sa pagprepare ng mga lulutin nakapaghugas ako ng hiniwa-hiwang kambing at first time kong naranasan kong magluto gamit ang uling.

image

Uling gaming

Kinabukasan ay sinimulan na naming magpunta sa iba’t ibang bahay. Ibang klase ang piyesta doon. Kahit hindi naman ako kilala ng ibang mga tao ay pinapapasok nila ako sa mga bahay nila at pinapakain. Unlimited na nga ang pagkain tapos hindi ka pwedeng umalis ng wala kang balot. May unlimited shrimp, Calamares, crabs, chicken fingers, pasta at ang iniiwasan ko, Lechon.

image

Calamares

image

Crab yum! yum! yum!

image

Unlimited Shrimp grabe!

Sa unang tatlong araw ay parang nakain ko na ang buong Iligan. Lagi ako naghahanap ng restroom kasi kailangan kong bumwelo dahil hindi ako sanay kumain ng ganito kalala. Natikman ko rin ang isa sa pinagmamalaki ng mga taga-Iligan, ang choco filled na Dunkin’ Donut. Akala ko nung una inuuto lang ako ng girlfriend ko at masyadong hype ang donut na iyon pero hindi. LAMI KAAYO! Panandalian kong nakalimutan ang Krispy Kreme at J.Co nung mga panahong nginunguya ko sya sana magkaroon nito sa sa lahat ng branches ng Dunkin’.

image

Choco filled Dunkin Donut

Chasing Waterfalls

Ang walang katapusang kainan pala ay paghahanda sa mga paglalakbay na gagawin ko sa Iligan. Tatlo pala sa napakaraming waterfalls sa Iligan ang mapupuntahan ko. Una naming pinuntahan ay ang Tinago Falls. Masasabi kong nakatago nga sya kasi kailangan mong bumaba para makita mo ang isa sa pinakamagandang tourist spot sa Iligan. 365 steps bago mo ito marating.

image

Daan pababa ng Tinago Falls

Sulit ang pagising ng maaga, sulit ang pagod, sulit lahat. Ibang klase ang pakiramdam. Mahamog, malamig ang tubig at parang nasa nakatagong paraiso ka nga. 

image

Tinago Falls

image

Tinago Falls

image

Sarap!

Mababait ang mga tour guide at talagang tutulungan kanila. At alam nyo kung anong maganda dito? Marunong silang kumuha ng magandang litrato. Sila pa magsasabi ng magandang pose. Oha! Panis! Tinuruan pa ko ni kuya lumangoy at magpalutang. Maraming salamat sa iyo kuya! 

image

Tinago Falls

image

Walang katapusang Marang!

Sumunod naming pinuntahan ay Mimbalot Falls, compared sa Tinago Falls hindi mo na kakailanganin ang 300 steps dito. Siguro mga 30 lang (haha!). 

image

Mimbalot Falls

image

Mimbalot Falls

Mababaw lang ang tubig at malawak ang lugar kaya makakaligo ka dito ng mas matagal. Kung mahilig kang magpictorial, okay din dito. May mga tindahan din sa paligid kung gusto nyong bumili ng pagkain at inumin. Dahil may mga cottages at swimming pool dito, expect niyo na mas maraming tao dito compared sa Tinago Falls.

image

Mimbalot Falls

image

Mimbalot Falls

Ang huli naming pinuntahan ay ang Maria Cristina Falls. Sa libro ko lang sa HeKaSi ito nakikita noon eh. Hindi ko inakala na mabibisita ko to at hanggang sa dun ko lang din ulit narealize na nasa Mindanao nga pala sya. Kaya siguro ako laging mali sa exam ko nung high school haha.

image

Kidding aside, ang una kong naramdaman pagpasok sa lugar ay parang nasa Jurassic World ako. Maraming puno at napakalinis ng lugar.

image

Sa wakas nakita ko na si Maria Cristina! Totoo nga ang balita na anganda nga nya. 

image

Tinatawag rin syang “twin falls”, dahil nahahati ang tubig dahil sa batong makikita niyo sa bandang itaas nito.Walang cottages, walang tindahang malapit sa falls. Bawal magswimming dahil sobrang lakas ng current. Wala ka talagang gagawin dun kundi tignan ang ganda nya.

image


Pagkatapos magkuhaan ng litrato ay nagkaayaan ng umuwi at nagpasya kami na magbanlaw.  Laking gulat ko sa kalye kami tumigil at isa-isa silang kumuha ng hose. Oo mga bes, naligo kami gamit ang hose sa kalye. Nagsabon at nagshampoo, literal na naligo. Syempre kailangan, tatlong waterfalls ba naman puntahan mo at talon ka lang ng talon ewan ko na lang kung hindi ka mamaho. Isa ito sa mga di ko malilimutang pangyayari sa Iligan. 

image

Banlaw muna sa may Timoga.

image

Banlaw muna sa may Timoga.

Tinago - Mimbalot - Maria Cristina Transporation

Ang maganda sa tatlong falls na napuntahan namin ay magkakalapit lang sila. Kalahating araw kaya kong di kayo hahayahay. 


Kung nasa Iligan proper na kayo, cab lang papuntang Buru-un. From there habal-habal lang Tinago Falls tapos habal-habal ulit to Mimbalot falls tapos habal-habal ulit to Maria Cristina Falls. Php25 lang ang pamasahe per waterfalls. So php75 lang sa tatlong waterfalls.


Entrance Fee:

1. Mimbalot Falls P50

2. Tinago Falls P10

3. Maria Cristina Falls P30 (Plus 20 kung may life jacket)


Total: P115

Grand Total: P190 mula Buru-un. 


You can also click the link below for more information sa waterfalls adventure namin:

http://www.facebook.com/429804607794101/posts/430480851059810

Camiguin "The Island Born of Fire"

Isa pang highlight ng Mindanao trip namin ay ang paraiso sa Camiguin. 


Imagine an island, na napapalibutan ng tubig (of course) na mga bulkan at mga bundok. Naimagine mo? Yun, yun. (haha!)

image

Medyo mahaba ang byahe dahil galing kaming Iligan nung pumunta kami papuntang Camiguin. Dalawang oras mula Iligan papuntang Cagayan. Dalawang oras mula Cagayan hanggang Balingoan port. Isa pang oras mula Balingoan Port to Benoni Port. Limang oras bale biyahe pero sulit na sulit ang puyat at pagod dahil talagang paraiso dito sa Camiguin.

image

Benoni Port

Unang araw kain syempre, kung hindi nyo pa natry subukan nyo ang Pastel ito ay buns na may filling yun yung nakalagay sa box at siguradong yun din makikita mo pagbukas ng box (haha!). Kidding aside, masarap sya. Matamis at para sakin bagay sya kasabay ang brewed coffee.

image
image

Photo from VjANDEP website. https://vjandep.com/

Pagkatapos kumain, may naarkila kaming multicab at yun ang nagikot samin sa Camiguin.

image

Multicab

Pagkatapos ng city tour, dumirecho kami sa Ardent Hibok-Hibok Spring Resort. Nagrelax muna kami sa maligamgam na tubig para mabawasan ang pagod. 

image

Ardent Hibok-Hibok Hot Spring 

Syempre pagkatapos kain na naman. Hindi na bago ang inihaw na isaw at chorizo sa akin dahil mahilig akong mamapak nito sa Manila pati na rin sa Cebu nung nagSinulog Festival ako pero hindi ko pa rin matanggihan lalo na pag naamoy mo na ang inihaw at may puso (kanin) na nakaharap sa akin.

image

Ihaw-ihaw!

image

Ihaw-ihaw!

image

puso ang tawag nila dito. (kanin ang laman nyan)

Dahil gabi na kinailangan na naming umuwi at bumalik sa resort na natuluyan namin. Nagcheck in kami sa Paras Beach Resort Camiguin. Sobrang sulit ang perang ibinayad mo dito dahil mababait ang staff at maganda ang ambience ng lugar. The best ang location dahil nasa likod mo lang ang mga bundok at nasa tapat mo lang halos ang White Island (sandbar).


Click the link below para sa review ko ng Paras Beach Resort Camiguin:

https://www.facebook.com/429804607794101/posts/429902377784324


image

Paras Beach Resort 

image

Paras Beach Resort 

Para sa mga gustong magbook just click the link below:

https://explora.ph/hotel/466/paras-beach-resort


Use promo code TRAVELLIKEUNCLEJU to get exclusive deals and discounts.

image

Paras Beach Resort

image

Paras Beach Resort

Maaga kaming gumising dahil gusto naming masaksihan ang sunrise sa sandbar. Limang minuto lang ang pagitan ng resort at ng sandbar.

image

TEAM 6AM! 

image

Pagdating sa sandbar ay ang sumalubong sakin ay mga bangkerong nagbebenta ng tuyom o sea urchins. Syempre pagkain kaya game ako. 

image

Thank you kuya!

image

Tuyom (Sea Urchin)

Aba! Totoo nga ang balita sobrang sarap nito kapag hinaluan ng asin at suka. Bago sa panlasa ko at di ko tinantanan. Tatlong tuyom ay 50 pesos lang kaya pwedeng-pwede na. 

image

Tuyom (Sea Urchin)

After pumapak, tinitigan ko na ang paligid dahil bilang ito ang unang beses kong makapunta sa sandbar sigurado akong ito ang tatatak sa akin.

image
image

Hanggang ngayon, malinaw pa sa aking memorya na napapalibutan ako ng tubig habang nakatingin sa isla ng Camiguin at gumagalaw ang mga ulap. Kung nanalo ako ng lotto nung araw na iyon, malamang binili ko na yung sandbar na yun (haha!).  Napaka, napaka, napaka-ganda. Ayoko ng umalis at matapos ang mga sandaling iyon pero hindi pwede dahil baka tumaas ang tubig at malunod ako ang liit ko pa naman (haha!). 

image

White Island Camiguin

image

White Island Camiguin

image

snorkeling 

Next destinasyon ay ang Old Gui-ob Church Ruins na parang ang pakiramdam mo ay nasa isang simbahan ka sa Intramuros. Tahimik ang lugar at may mga batang nagkalat dun na willing ka picturan. 

image

Old Gui-ob Church Ruins 

image

Old Gui-ob Church Ruins 

Sumunod na destination ay ang Sunken Cemetery, P100 lang ang bayad saming lima para makapunta sa krus sakay ng bangka. Best time to go here ay yung pasunset na para maganda photos mo.

image

Sunken Cemetery

image

Sunken Cemetery

image

Sunken Cemetery

Huling destinasyon namin ay ang Tuasan Falls. Sabi nila, dati raw ay kailangan mong akyatin ang bundok para marating ito pero nung nagkalandslide ay pinagawa ang daan kaya madali na itong puntahan. Hindi pa ata ito natutunton ng maraming turista dahil konti ang tao pagdating namin at wala gaanong nakatira sa paligid. Hidden gem ito ng Camiguin.

image

Napakalamig ng tubig at malalapitan mo ang falls dahil hindi malalim ang babagsakan ng tubig. Mas madaling kumuha ng litrato dahil may mga elevated part malapit sa falls na pwede mong tungtungan. Ingat lang guys dahil mabato. P50 lang ang entrance dito kayang-kaya at sulit na sulit.


For more info please click the link below:

https://www.facebook.com/429804607794101/posts/429927314448497

image

Tuasan Falls

image

Ibinigay ko na lahat ng enerhiya ko dahil ito na ang huling araw ko sa Camiguin at sigurado akong isa ito sa pinakamakekwento ko sa mga kaibigan at kapamilya ko. Pagkatapos maligo bumalik na kami ng resort, nagayos at malungkot akong nagbalot ng gamit dahil aalis na kami. Nalungkot ako dahil bakit anlayo ng Mindanao sa akin at hindi ko sya kayang puntahan agad-agad. Inisip ko na lang kailangang umuwi, kailangang magtrabaho, ituloy ang laban para makaipon at makabalik dito.

REALIZATION

Sa walong araw ko sa Mindanao, marami akong nabalikan. Nabalikan ko ang walang katapusang pagmano sa mga tito, tita, lolo at lola, nabalikan kong maligo sa banyong walang shower at gamit ay tabo. Natuto ako magluto gamit uling at magpaypay hanggang sa uminit ang niluluto. Tuwang-tuwa ako dahil nabalikan ko ang mga araw na sobrang babaw pa ng kaligayahan ko at hindi ko binabase sa materyal na bagay ang lahat. Nakaramdam ako ng totoong ligaya, ligayang hindi kayang palitan ng pera. 

image

Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang malaking pamilya pati na rin ang matibay na pagkakaibigan ng mga tao doon. Sa mga nagbabasa nito kung umabot kayo sa part na ito, 18 years bago nakauwi ang pamilya ng girlfriend ko. 18 years at kahit isang minuto, hindi ko naramdaman na magkakalayo ang loob ng bawat isa. Lahat masaya, lahat masaya lang. Kaya kong sabihin at ipagmalaki na kahit hindi ako bisaya, ibang klase ang pagmamahal na binibigay nila sa bawat taong dumaan sa buhay nila. 

image

Hinding hindi ko kayo makakalimutan! 

Masakit mang isipin dahil karamihan sa atin dito sa Luzon particularly sa Metro Manila, kapag hindi masyadong marami ang iyong nalalaman at kapag mali ang iyong grammar ay bisaya na ang tawag sa iyo at ang pinakamalala pa nga ay tatawagin kang bisakol. Hindi ko maitatanggi na nagamit ko na rin yan minsan pero pinagsisihan ko dahil ibang iba sila sa atin.

image

Magagalang at tapat ang mga tao sa kanila, karamihan disiplinado. Wala kang makikitang nagyoyosi sa kalye, walang namamalimos, walang nangaagaw ng bag, walang tumatawid kung saan-saan, walang nagooverprice na taxi at jeepney driver ultimo sabit bawal. Naniniwala ako na kaya ganun dahil may respeto sila sa kababayan nila, may respeto sila batas at sa nagpapatupad ng batas. Hindi ko masasabing epekto ito ng takot sa Martial Law sa Mindanao dahil sa walong araw na nilagi ko sa doon ay hindi ako natakot sa pulis o militar. Lahat sila nakangiti, lahat sila mabait. Wala akong narinig na putok ng baril. 

image

Ayoko lahatin at magmagaling dahil hindi ko naman nalibot ang buong Mindanao ngunit sa lahat ng dinaanan at napuntahan naming ay naramdaman kong ligtas ako. Pwede ka maglabas ng cellphone o gadgets sa kalye na hindi ka kakaba-kaba na makuha ang gamit mo. Kumpara sa Manila, na pag may checkpoint ay parang stoplight lang, sa Mindanao hindi kailangan mong magbagal at kung nakabus ka kailangan mong bumaba. Alam mo kung anong nakakagulat dito? Walang reklamo ang mga taong magbabagal at bababa. Mabilis at ligtas ang checkpoints, hindi ka hahawakan at titignan lang ang ID mo then tapos na.

image

May ibang mga taong gusto nila ang curfew. Bakit? Dahil uuwi ang mga anak nila ng maaga at hindi na sila magaalala kung nasaan sila. Tahimik ang mga bahay pagpatak ng 9pm at wala ng reason para magkaron ng tambay sa kalye. Karamihan sa kanila ay gusto ang Martial Law hindi dahil sa rason ng ating president sa pagpapatupad nito kundi dahil marami sa kanila ay nakakaramdam ng kaligtasan dahil maraming nagbabantay sa kanila at never ko yung narinig sa kahit sino mang nakausap ko dito sa Manila. At dun rin sa moment na iyon, narealize ko mahirap magpatupad ng batas sa Metro Manila, karamihan ng tao hindi sumusunod sa batas. Pagtawid, pagtapon ng basura, pagyoyosi at batas trapiko. Post ng post ng anti-corruption, pero pag nahuli ng MMDA nagbibigay ng pangmerienda. Post ng post ng hustisya pero simpleng pagpila hindi magawa. Tapos dahil magkakadikit ang mga city dito sa Metro Manila, iba-iba ang patakaran, iba-iba ang batas ultimo traffic enforcer nga iba-iba ng kulay eh. Nakakatawang isipin na bago ako umalis papuntang Mindanao ay puro pagdududa ang narinig ko, ibang-iba sa nakita ko. 

image

So ano nga ba ang realization ko? Ano nga ba ang napatunayan kong totoo para sa akin? Ang Mindanao ay parte ng Pilipinas. Pilipino ka kaya dapat Pilipino pa rin ang turing mo sa bawat rehiyon ng ating bansa. Sa ngayon, ang experience ko sa Mindanao ang pinakamasaya at pinakamaganda kumpara sa lahat ng nabisita ko. Gusto ko syang tuklasin, gusto ko pa puntahan ang ibang lugar doon para mas maunawaan at maintindihan ko sila. Ayoko pa sanang umalis pero may mga mahahalagang bagay akong dapat tapusin. Balang araw (sana soon), mababalikan kita. Wag kang magbabago Mindanao. Wag kang gagaya sa iba na Pilipino lang pag nanalo si Pacquiao.

image

Salamat kaayo!

Follow me on Facebook:

facebook.com/callmeuncleju


Follow me and watch my story highlights on Instagram:

instagram.com/callmeuncleju


Sa uulitin! Mahal ko kayo.


#whereisuncleju #unclejugoesto #Mindanao

image

Comments
Similar listings
Hello! Our website uses cookies to ensure you get the best experience on Explora.ph. Learn more